TV

Ang pinakaaabangang pagbabalik ni Alice Dixson sa 'Legal Wives,' mapapanood na bukas!

By Marah Ruiz

Sa wakas, magbabalik na ang karakter na si Amirah, na ginagampanan ng aktres na si Alice Dixson, sa GMA Telebabad series na Legal Wives.

Matatandaang lumayas ang first wife na si Amirah mula sa tahanan ng mga Makadatu nang malaman niyang ikakasal muli ang asawa niyang si Ismael (Dennis Trillo) sa mas batang si Farrah (Bianca Umali).

Bukod dito, itinatago rin niya ang sakit niyang cancer mula sa kanyang pamilya kaya nanatili muna siya sa Cotabato kasama ang kanyang amang si Assad (Tommy Abuel).

Ngayon, magbabalik na si Amirah nang mabalitaan niya ang tungkol sa panibagong panggugulo ni Marriam (Ashley Ortega) sa mga Makadatu.

Sa kanyang pag-uwi, maaabutan niyang nagkakagulo ang second wife na si Diane (Andrea Torres), ang third wife na si Farrah, at si Marriam na gustong maging fourth wife.

Ano ang mangyayari sa pag-uwi ni Amirah at paghaharap ng tatlong legal wives?

Abangan 'yan sa pagpapatuloy ng mga exciting na eksena ng Legal Wives, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Samantla, balikan ang makulay na kasal nina Ismael at unang asawa niyang isa Amirah sa gallery na ito: