TV

Ruru Madrid, may birthday surprise para sa kanyang 'Lolong' leading ladies

By Marah Ruiz

Sa lock-in taping ng upcoming action adventure series na Lolong nagdiwang ng birthday niya si Kapuso actress Arra San Agustin.

Kaya naman para sa kanyang special day na pumatak noong April 25, sinorpresa siya ng co-star at leading man na si Ruru Madrid.

Naghatid ito ng cake at flowers para kay Arra at nanguna sa pagkanta ng "Happy Birthday" para sa aktres.

May 3 naman ang birthday ng isa pang Lolong leading lady na si Shaira Diaz kaya pati siya, may advanced birthday surprise na cake and flowers mula kay Ruru.

"Ayaw namin hayaan na lumipas lang 'yung special day nila kahit dito po sa lock -n taping namin. Gusto namin na maiparamdam sa kanila kung gaano po sila ka special. At the same time, maiparamdam sa kanila na nandito rin sila sa tahanan nila," pahayag ni Ruru.

Ngayong parating na weekend na matatapos ang kanilang third and last lock-in taping at bittersweet daw ito para kay Ruru.

"Nakaka-sad dahil po doon sa family na bumubuo dito sa 'Lolong.' Chine-cherish ko na lang po itong mga natitirang mga moments na 'to. Nakakaiyak din kasi grabe po 'yung pinagdaanan naming lahat po sa proyeko po na ito," aniya.

Gayunpaman, excited na raw siya na mapanood na viewers ang pinaghirapan nilang serye. Bukod dito, nag-react din si Ruru sa pagtawag sa kanya bilang "Kapuso Action Prince."

"Sobrang nakakataba ng puso, to be honest, kasi pangarap ko lang po ito dati. Hindi pa po ako nag-aartista, lagi po akong nanonood ng pelikula nina FPJ, nina Rudy Fernandez. Pinapanood ko lang, sabi ko someday magiging ganyan din ako--mapapanood din ako sa TV na nakikipaglaban, na may nililigtas ako. And then ito po, ngayon unti-unti ko na po siyang nakakamit," lahad ng aktor.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Samantala, narito ang pasilip sa 45-day lock-in taping ng Lolong: