What's on TV

Dambuhalang adventure serye na 'Lolong,' mapapanood na sa July 4

By Marah Ruiz
Published June 16, 2022 10:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong


May pasilip din sa mga tauhan na dapat abangan sa dambuhalang adventure serye na 'Lolong.'

Malapit nang mapanood ang upcoming dambuhalang adventure serye sa Philippine primetime na Lolong.

Inanunsiyo na sa wakas na magsisimula na ang much-awaited action-adventure series sa July 4.

Sa bagong teaser na inilabas ng serye, makikita ang ilan pang matitinding action scenes ni Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid na gaganap bilang si Lolong.



May pasilip din sa star-studded cast kung saan kabilang sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco, Paul Salas, Leandro Baldemor, at Priscilla Almeda.

Muling nabanggit ang mga Atubaw, isang lahi kung saan kabilang si Lolong.

Ito ba ang dahilan ng mga kakaiba niyang kakayanan tulad ng pambihirang liksi at bilis ng paggaling ng kanyang mga sugat?

Ang Lolong ay kuwento ng pangkaraniwang magniniyog na si Lolong, na matutuklasan ang 'di pangkaraniwang kakayanan niyang makipag-usap sa dambuhalang buwaya na si Dakila.

Huwag palampasin ang Lolong, simula ngayong July 4 sa GMA Telebabad!

Samantala, silipin ang 45-day lock-in taping ng Lolong dito: