TV

Jennylyn Mercado, nagpasalamat sa mga sumubaybay sa 'Love. Die. Repeat'

By Maine Aquino

Puno ng pasasalamat si Jennylyn Mercado sa mga sumuporta at sumubaybay sa kanilang serye na Love. Die. Repeat.

Ang Love. Die. Repeat. ay ang suspense drama series na pinagbidahan niya kasama si Xian Lim.

PHOTO SOURCE: @mercadojenny (Instagram)

Ipinalabas kahapon, March 27, ang finale episode nito na tinutukan ng mga manonood.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Jennylyn ng kanyang pasasalamat sa suporta sa kanyang Kapuso serye.

"Maraming maraming salamat po sa inyong pagsubaybay gabi-gabi sa Love, Die, Repeat. Mula umpisa hanggang wakas ay sinamahan ninyo kami."

Dugtong ni Jennylyn, "Taos puso at paulit-ulit na pasasalamat sa inyo mga bessie! Hanggang sa muli. - Angela"

Samantala, maaaring balikan ang Love. Die. Repeat. sa Full Episodes ng GMANetwork.com.