TV

Gabby Concepcion, Jennylyn Mercado proud to star in GMA's first-ever telepelikula 'Love You Two'

By Jansen Ramos

Espesyal ang bagong seryeng handog ng GMA na Love You Two dahil bukod sa unang pagtatambal nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado, ay kakaibang treatment ang inihanda ng produksyon para sa mga manonood.

Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion

Kaiba sa nakagawiang programang pantelebisyon, bago lahat ang aspeto ng serye maging sa equipment na kanilang ginagamit at maging sa crew.

"Bago 'yung mga mukha na nakikita namin kasi usually sanay kami na kilala na namin 'yung mga cameraman, so ngayon iba," bahagi ni Jennylyn sa kaniyang panayam sa media conference ng Love You Two kagabi, April 11.

"Tsaka 'yung quality ng camera talagang kita lahat e. Kaya kailangan maingat talaga. 'Yong hibla ng buhok o pores man 'yan, kailangang takpan."

Dahil nais bigyan ng Netwok ng pampelikukang experience ang mga manonood, pampelikula rin ang camerang ginagamit sa pagkuha ng mga eksena sa rom-com series.

Pao Orendain / Source: John Dominguez

Sa unang pagkakataon, gumamit ang GMA Drama Group ng digital-motion picture camera system na Alexa at nag-hire din ng director of photography sa katauhan ni Pao Orendain na nakilala bilang cinematographer ng ilang sought-after films gaya ng na Sid & Aya: Not a Love Story, Shake Rattle & Roll XI, When The Love Is Gone, at Hintayin ng Langit.

Naging DOP din sya ng ilang Kapuso series gaya ng I Heart You Pare, Legacy at One True Love.

Irene Villamor

Ipinagmamalaki rin ng GMA Drama Group na idinederehe ang Love You Two ng award-winning director na si Irene Villamor na nakilala sa pagiging dalubhasa sa mga compelling scenes at storylines gaya sa mga pelikulang Sid & Aya: Not a Love Story, Camp Sawi, at Ulan.

Proud na ibinahagi ng GabJen na lahat ng staff ng Love You Two at maging silang mga tagaganap ay sumailalim sa workshop para sa ganitong konseptong teknikal.

"Iba rin 'yong adjustment na ginawa ng mga staff, hindi lang naming mga artista kundi 'yong buong production talagang nag-training para dito."

Diin pa ni Gabby, "It's the first time na gagawin ng GMA 'to, Kung magiging successful ito, malamang ito 'yung susundan ng GMA," pagtatapos ng aktor.

Narito ang ilang patikim na eksena mula sa kauna-unahang telepelikula ng GMA na Love You Two, na mapapanood na simula April 22:

A love triangle like no other: "Love You Two" premieres this April 22 on GMA Telebabad

Jennylyn Mercado on working with Gabby Concepcion: "Ang swerte ko"