TV

Barbie Forteza at Andre Paras, muling magtatambal?

By Jansen Ramos

Maraming naka-miss sa kilig-tandem nina Barbie Forteza at Andre Paras sa 2016 GMA rom-com series na That's My Amboy.

Barbie Forteza at Andre Paras

Dahil nag-click ang kanilang kwelang tambalan noon, reunited sila para sa isang espesyal na episode ng Love You Two.

Gagampanan ni Barbie ang karakter ni Venus, isang pre-school teacher na fiancée ni Adonis, na gagampanan ni Andre.

Sa kuwento, rebound lang ni Venus si Adonis after her first love left her pero eventually minahal na rin niya ito nang totoo.

On the day of her wedding to Adonis, tatawagan siya ng first love niya. Magkaka-cold feet si Venus at magra-runaway bride.

Ano kaya ang kinalaman nila sa magulong relasyon nina Jake (Gabby Concepcion) at Raffy (Jennylyn Mercado)?

'Yan ang dapat abangan sa Love You Two, pagkatapos ng The Better Woman sa GMA Telebabad.


2007 GMA series na 'Super Twins,' magkakaroon ng remake?