TV

LOOK: 'Love You Two' female stars dress as 'Encantadia' Sang'gres 

By Jansen Ramos

Nag-ala Encantadia Sang'gres ang Love You Two female stars para sa last Wednesday episode, na mapapanood ngayong September 11, ng rom-com series.

Love You Two

Nag-ala Sang'gre Alena si Jennylyn, gumaganap bilang Raffy, Sang'gre Danaya si Shaira, gumanap bilang Sam, Sang'gre Amihan si Nar, gumaganap bilang Migs, at Sang'gre Pirena si Sheena, gumaganap kay Nina.

Samantala, si Kiray naman, na gumaganap sa kwelang karakter ni Darling, ay nagbihis bilang si Banak.

Sa episode mamayang gabi, magkakaroon ng Encantadia-themed bachelorette party si Raffy na mauuwi sa isang hangover nightmare.

Huwag palampasin ang kilig finale ng Love You Two, pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.