TV

WATCH: Jennylyn Mercado at Shaira Diaz, may mensahe kay Gabby Concepcion

By Jansen Ramos

Nagbigay ng mensahe sina Jennylyn Mercado at Shaira Diaz sa kanilang Love You Two co-star na si Gabby Concepcion.

Jennylyn Mercado at Shaira Diaz

Nagpasalamat ang Kapuso actresses sa seasoned actor ngayong nakatakda nang matapos ang rom-com series na halos anim na buwang napanood sa telebisyon.

Sa isang Instagram post, ika ni Jennylyn, "Kuya, I want to thank you and I want to thank GMA for giving me this opportunity to work with you. Ang sarap mo katrabaho at napakagaan."


Sa pahayag naman ni Shaira, sinabi niyang mami-miss niya katrabaho ang kanyang Kuya Gabby.

Aniya, "Maraming salamat sa opportunity na makatrabaho kita. Sobrang nag-enjoy ako magtrabaho kasama ka, and it's an honor. I'm gonna miss you, Kuya Gabby."

Abangan ang kilig finale ng Love You Two ngayong Biyernes, September 12, 9:20 p.m. sa GMA Telebabad.

Ang drama series na The Gift, pagbibidahan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards, ang papalit sa rom-com series.

Mapapanood na ang The Gift simula September 16.

The Gift: Ang pagbabalik ni Alden Richards sa GMA Telebabad | Teaser