
Hindi na bago para kay Polo Ravales ang gay role na ginagampanan ngayon sa Lovers & Liars.
Sa katunayan, noong 2006 ay nakagawa na ang aktor ng gay role sa Regal film na Manay Po! (2006), kung saan nakilala siya bilang Oscar Dimagiba. Bukod dito, may bago rin siyang pelikula kung saan gay rin ang role na kanyang gagampanan.
Sa interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Polo na kahit na nakagawa na siya ng gay roles ay challenging pa rin para sa kanya ang pinagbibidahang karakter sa Lovers & Liars.
"'Yung challenge ko ngayon is kung paano ko mapo-portray nang mas maganda, mas mature, at saka kasi ginawa ko na s'ya before so kailangan mag-isip talaga ako ng kakaiba. Iyon 'yung challenge sa akin kung paano ko siya bibigyan ng dynamics compare doon sa dati," sabi ng aktor.
Sa non-conventional, triple-plot drama series, napapanood si Polo bilang Ronnie Sandiego, isang cardiologist na mayroong sikretong relasyon kay Joseph, na ginagampanan naman ni Rob Gomez.
"I'm playing the role of Doc Ronnie, isa akong closeted gay [at] mayroon akong boyfriend si Rob Gomez. 'Tapos, love triangle kami with Michelle Vito. Pero aakalain ng mga audience [na] lalaki ako sa umpisa kasi talagang hindi ako mapagkakamalang gay."
Ayon kay Polo, relatable ang kuwento ng relasyon ng mga karakter na ginagampanan nila ni Rob sa serye.
"Itong istorya namin ni Rob, kami nagre-represent sa LGBT community, very relatable, kung paano magmahal ang gay," sabi ni Polo sa interview ni Aubrey Carampel ng 24 Oras.
Samantala, thankful at honored ang aktor na napasama sa lead cast ng Lovers & Liars dahil, aniya, matagal na rin siyang hindi gumawa ng teleserye.
Ang iba pang kasama ni Polo sa Lovers & Liars ay sina Optimum Star Claudine Barretto, Shaira Diaz, Yasser Marta, Kimson Tan, Sarah Edwards, Christian Vazquez, at Lianne Valentin.
Abangan si Polo sa Lovers & Liars, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG LOVERS & LIARS SA GALLERY NA ITO: