TV

'Lovers & Liars' viewers, nag-aabang na sa finale ng serye

By Aimee Anoc

Sa finale episode ng Lovers & Liars ngayong Huwebes (January 11), paniguradong mapapakapit ang mga manonood sa mga magaganap pa sa kuwento.

Noong Miyerkules, nalaman na ni Trina (Sarah Edwards) ang pagtataksil ng inang si Elizabeth (Ara Mina) sa kaniyang yumaong ama na si Ramon Laurente, na lubos niyang ikinagalit dahil ang buong akala niya ay iniwan sila ng ama para sa ibang babae.

Inamin na rin ni Trina na siya ang pumatay sa sariling ama. Paano kaya makukuha ni Via (Claudine Barretto) ang hustisya para sa yumaong asawa?

Matagumpay naman na nailigtas nina Joseph (Rob Gomez) at Caloy (Yasser Marta) si Hannah mula kay Victor (Christian Vazquez). Naaresto na rin si Victor sa salang pagpatay kay Kelvin (Kimson Tan).

Pero tila hindi pa rito matatapos ang kuwento dahil base sa teaser na inilabas ng serye ay makakalaya ito at malalagay naman sa panganib ang buhay ni Via.

Samantala, maraming netizens na ang nag-aabang sa finale episode ng Lovers & Liars.

Huwag palampasin ang huling gabi ng Lovers & Liars ngayong Huwebes, 10:05 p.m. sa GMA Prime.

Panoorin ang full episode 31 ng Lovers & Liars sa video sa ibaba:

BASAHIN ANG MGA PAPURING NATATANGGAP NG LOVERS & LIARS MULA SA MGA MANONOOD DITO: