TV

Claudine Barretto describes Ara Mina as sweet and compassionate

By Aimee Anoc

Kapwa napapanood ngayon sina Claudine Barretto at Ara Mina sa triple-plot drama series na Lovers & Liars.

Pero kaiba sa kanilang intense na mga eksena sa serye, kitang-kita ang closeness nina Claudine at Ara sa likod ng kamera. Ito ang unang pagkakataon na nagkatrabaho ang dalawang batikang aktres sa isang serye.

Noong Sabado (January 6), isang appreciation post ang ibinahagi ni Claudine para kay Ara.

"Thank you @therealaramina for being so sweet & compassionate. You are truly one beautiful soul. [Love you] sis," sulat ni Claudine sa Instagram.

Sa Lovers & Liars, bumibida si Claudine bilang Via, second wife ni Ramon Laurente at sa kanya inihabilin ng huli ang real estate company nitong Pacifica. Habang gumaganap naman si Ara bilang Elizabeth, ang nagbabalik na first wife ni Ramon.

Sa huling linggo ng Lovers & Liars, ibinahagi rin ni Claudine kung gaano niya mami-miss ang nabuong pamilya sa serye.

"Gonna miss my Lovers & Liars family," sulat ni Claudine.

Huwag palampasin ang mga pasabog sa huling linggo ng Lovers & Liars, Lunes hanggang Huwebes, 10:05 p.m. sa GMA.

BASAHIN ANG MGA PAPURING NATATANGGAP NG LOVERS & LIARS MULA SA MGA MANONOOD DITO: