TV

Kimson Tan, nagpasalamat sa lahat ng nagmahal kina Kelvin at Hannah sa 'Lovers & Liars'

By Aimee Anoc

Nakakalungkot man ang sinapit ng mga karakter nina Kimson Tan at Lianne Valentin bilang Kelvin at Hannah sa pagtatapos ng Lovers & Liars, maraming manonood ang humanga sa husay na ipinakita ng dalawa sa serye.

Noong Miyerkules (January 10) base sa text message na natanggap ni Joseph (Rob Gomez), natagpuan na ang katawan ni Kelvin (Kimson) matapos ang ginawang pagpapahirap sa kanya ni Victor (Christian Vazquez). Ito ay nang mabunyag na kay Victor ang relasyon nila ni Hannah (Lianne).

Bukod kay Kelvin, pinahirapan din ni Victor si Hannah at nailigtas lamang ang huli nina Joseph at Caloy (Yasser Marta).

Sa Facebook, nagpasalamat si Kimson sa lahat ng suportang natanggap ng tambalan nila ni Lianne.

"Maraming salamat po sa lahat ng nagmahal kay Kelvin at Hannah. Thank you #LiaSon fam!" pasasalamat ni Kimson.

Huwag palampasin ang huling gabi ng Lovers & Liars ngayong Huwebes, 10:05 p.m. sa GMA Prime.

Panoorin ang full episode 31 ng Lovers & Liars sa video sa ibaba:

BASAHIN ANG MGA PAPURING NATATANGGAP NG LOVERS & LIARS MULA SA MGA MANONOOD DITO: