TV

Zephanie, P-pop group VXON, siniguradong relatable sa lahat ang theme song ng 'Luv Is'

By Jimboy Napoles

Isang linggo matapos ang trending launch ng "Luv Is" na official theme song ng upcoming kilig series na Luv Is sa All-Out Sundays, parami na nang parami ngayon ang nahu-hook sa lyrics nito na isinulat ng P-pop group na VXON at kanilang inawit kasama ang Kapuso singer na si Zephanie.

Ang first installment ng kilig series na Luv Is ay ang adaptation ng sikat na Wattpad novel ni Ventrecanard na Caught In His Arms na bibigyang buhay ng Sparkle sweethearts at Team Jolly na sina Sofia Pablo at Allen Ansay kasama ang Sparkada members na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa VXON at kay Zephanie, ibinahagi nila na tiyak na makaka-relate ang lahat sa "Luv Is," dahil hindi lamang ito para sa romantic relationship kung 'di para sa all kinds of love.

Kuwento ni Enzo Dizon o Vince ng VXON, "Feeling ko sobrang makaka-relate ang mga kabataan ngayon dahil 'yung kanta namin ay punong-puno ng love and hindi lang sa romantic relationship pang-lahat ng relationship siya."

"Para rin siya sa nalilito sa nararamdaman nila kung kailan nila aaminin, 'aaminin ko ba? worth it ba?' ganun," dagdag naman ni Sam Cafranca o Sam ng VXON.

Ayon pa kay Zephanie, "Madalas po kasing mangyari sa generation natin [ito] so I'm sure maraming-maraming makaka-relate sa inyo so dapat pakinggan niyo 'yan."

Para naman sa leader ng VXON na si Christian Saraos o C13, "Relatable siya lahat kasi pwedeng-pwede niyong kantahin sa loved ones niyo, katulad ng pamilya, kung gusto mo bang mag-confess sa loved one mo parang di ka sigurado kung pag-ibig na ba 'yun o hinahangaan mo pa lang pero ngayon na sigurado ka na pwedeng-pwede ka na mag-confess."

Kumpiyansa rin si Zephanie na mas magiging hit ang nasabing theme song dahil isang P-pop group ang umawit nito.

Aniya, "One thing din na masasabi ko na magiging edge ng song na ito is, it was sang by P-pop group [lalo na] ngayon po na nag-ra-rise ang P-pop groups."

Abangan ang music video ng nasabing theme song kasama si Zephanie, VXON, at ang cast ng Luv Is: Caught In His Arms soon. Pero bago iyan, maaari mo nang mapanood at mapakinggan ang "Luv Is" sa lyric video na ITO:

Para sa iba pang updates tungkol sa Luv Is: Caught In His Arms, bisitahin ang GMANetwork.com.

SAMANTALA, SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS LEAD STARS NA SINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: