TV

Theme song ng 'Luv Is: Caught in His Arms,' available na for streaming

By Jimboy Napoles

Tuloy-tuloy nang mapapakinggan ang theme song ng upcoming kilig series na Luv Is: Caught In His Arms na "Luv Is" dahil available na ito sa lahat ng music streaming platforms gaya ng Spotify, Apple Music, at YouTube Music.

Ang "Luv Is" ay isinulat at inawit ng P-pop group na VXON kasama ang tinaguriang "This Generation Pop Princess" at Kapuso singer na si Zephanie.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa VXON at Zephanie, ibinahagi nila na siguradong makaka-relate ang lahat sa nasabing theme song dahil hindi lamang ito para sa romantic relationship kung 'di para rin sa all kinds of love.

Kuwento ni Enzo Dizon o Vince ng VXON, "Feeling ko sobrang makaka-relate ang mga kabataan ngayon dahil 'yung kanta namin ay punong-puno ng love and hindi lang sa romantic relationship pang-lahat ng relationship siya."

"Para rin siya sa nalilito sa nararamdaman nila kung kailan nila aaminin, 'aaminin ko ba? worth it ba?' ganun," dagdag naman ni Sam Cafranca o Sam ng VXON.

Ayon pa kay Zephanie, "Madalas po kasing mangyari sa generation natin [ito] so I'm sure maraming-maraming makakarelate sa inyo so dapat pakinggan n'yo 'yan."

Para naman sa leader ng VXON na si Christian Saraos o C13, "Relatable siya lahat kasi puwedeng-puwede ninyong kantahin sa loved ones n'yo, katulad ng pamilya, kung gusto mo bang mag-confess sa loved one mo parang di ka sigurado kung pag-ibig na ba 'yun o hinahangaan mo pa lang pero ngayon na sigurado ka na puwedeng-puwede ka na mag-confess."

Abangan ang music video ng nasabing theme song kasama si Zephanie, VXON, at ang cast ng Luv Is: Caught In His Arms soon.

Listen to the song HERE.

Ang nasabing kilig series ay pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts at Team Jolly na sina Sofia Pablo at Allen Ansay kasama ang ilang Sparkada members na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos.

Para sa iba pang updates tungkol sa Luv Is: Caught In His Arms, bisitahin ang GMANetwork.com.

SAMANTALA, SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS LEAD STARS NA SINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: