TV

WATCH: Arra San Agustin, maraming natutunan sa pagbida sa 'Madrasta'

By Cara Emmeline Garcia

Mas na-explore raw ni Kapuso actress Arra San Agustin ang kanyang kakayahan sa pag-arte ngayong bibida na siya for the first time sa afternoon series na Madrasta.

Arra San Agustin

Bahagi ng tinaguriang new gem of drama, marami-rami na siyang natutunan tungkol sa kanyang sarili.

“Dito ko po mas na-stretch ang sarili ko. Although hindi ko pa naman lahat na-explore, I'm sure.

“Pero dito po mas marami akong nalaman at mas marami akong natutunan.”


WATCH: Kilalanin si Arra San Agustin bilang si Audrey sa 'Madrasta'

Sa afternoon soap makakasama ni Arra sina Thea Tolentino, Juancho Trivino, Gladys Reyes, Manilyn Reynes na tatampok sa madamdaming serye.

Bukod rito, makaka-relate raw ang marami dahil tatalakayin nito ang isyu tungkol sa pamilya at pagmamahal.

Sa bigat ng mga eksena, aminado sina Thea at Juancho na nahirapan sa kani-kanyang roles.

“Sa totoong buhay sobrang baba ng confidence ko sa sarili ko,” sambit ni Thea.

“Dito ko lang siya nalalabas pag umaarte kaya sobrang kabaligtaran ni Thea si Catherine.”

Saad pa ni Juancho, “Ito 'yung pinakamabigat na ginawa ko ever. Ang heavy nung drama and it's all about family issues.

“Pero sa pag-alalay pa lang ng direktor namin sa mga shots, everything, it's well written.”

Magsisimula na ngayong October 7 ang Madrasta sa GMA Afternoon Prime.

WATCH: Arra San Agustin takes us to the set of 'Madrasta'

WATCH: Arra San Agustin sings one of 'Madrasta' OST, “Hayaan Mo”