TV

Buradong alaala ni Sean | Ep. 46

By Cherry Sun

Nitong Lunes, December 9, tuluyan nang nalimot ni Sean (Juancho Trivino) si Audrey (Arra San Agustin) dahil sa aksidente.

May amnesia at burado ang mga bagong alaala ni Sean. Dahil dito pinagtatabuyan niya si Audrey, hindi siya naniniwala sa kanyang inang si Dra. Elizabeth (Gladys Reyes), at dinidiin niya ang kanyang pagmamahal para kay Katharine (Thea Tolentino).

Samantalahin kaya ni Katharine ang pagkakataong ito para makabalik sa buhay ni Sean?

Panoorin:


Tutok na tuwing Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Prima Donnas at tiyak na mamahalin niyo ang Madrasta!