TV

EXCLUSIVE: Klea Pineda, thankful sa 'Ika-5 Utos' sa paghanda sa kanya para sa 'Magkaagaw'

By Felix Ilaya, Cara Emmeline Garcia

Handang-handa na si Kapuso actress Klea Pineda sa kanyang pinakabagong soap na Magkaagaw kung saan makakasama niya sina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, at Jeric Gonzales.

Malaki ang pasasalamat ni Klea sa nakaraang soap na Ika-5 Utos dahil inihanda siya nito sa kanyang more mature role sa upcoming soap.

“Lalo na sa mga director ng Ika-5 Utos before, marami kaming natutunan talaga,” eksklusibong ibinahagi nito sa GMANetwork.com.

“Siguro konting adjustment na lang pagdating dito sa Magkaagaw kasi marami na kaming natutunan before, and mas dumaragdag lang 'yung kaalaman namin sa pag-acting.

“Feel ko naman na mas game kami dito ni Jeric at mas na-step-up na namin yung game naming dalawa at mas kakayanin namin 'yung eksenang ibibigay sa amin.”

Gaganap ang dalawa bilang mag-asawa sa Magkaagaw -- ang kanilang kauna-unahang mature role matapos ang Ika-5 Utos.

#Kilig: Klea Pineda and Jeric Gonzales show they're the next love team to watch for

Mula sa pamagat ng kanyang bagong proyekto sa network, may makakaaway kaya si Klea sa soap?

Saad nito, “For sure marami 'yan.

“Kasi Magkaagaw 'yung title and hindi lang naman ibig sabihin niyan magkaagaw sa loved ones natin.

“Marami siyang pwedeng pag-agawan like time, atensyon, sobrang daming pwedeng i-apply sa title na Magkaagaw sa story namin.

“So 'yun 'yung dapat abangan ng ating mga Kapuso -- kung paano i-handle ng isang millennial girl ang problems tulad ng family, career, and work.”

Subaybayan ang Magkaagaw dito lang sa GMA Afternoon Prime.

EXCLUSIVE: Klea Pineda, excited nang mag-move on sa mature role sa 'Magkaagaw'

EXCLUSIVE: Klea Pineda, kinabahan nang unang makilala sina Sheryl Cruz at Sunshine Dizon