TV

Huli ka, Jio! | Ep. 41

By Cara Emmeline Garcia

Sa December 6 episode ng Magkaagaw, halos bumulusok ang ilong ni Laura (Sunshine Dizon) sa galit nang makita si Veron (Sheryl Cruz) at patutsadahan siya tungkol sa kasama nitong lalaki.

Maliban dito, hindi rin siya mapakali sa mga aksyon ni Jio (Jeric Gonzales), kaya upang makumpirma kung may kabit ito ay minanmanan niya ang kanyang manugang.

Makilala na kaya niya ang kabit ni Jio?

Panoorin sa episode highlight ng Magkaagaw:

Huwag palampasin ang mas umiinit na eksena sa Magkaagaw, mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.