TV

Laura and Veron's intense face-off | Ep. 68

By Cara Emmeline Garcia

Sa January 7 episode ng Magkaagaw, kahit ano pa ang gawing pambibintang ni Laura (Sunshine Dizon) kay Veron (Sheryl Cruz), agad itong nakumbinsi ng huli upang hindi mabulilyaso ang plano niyang makapaghiganti.

Habang ang mag-asawang Clarisse (Klea Pineda) at Jio (Jeric Gonzales), patuloy ang pag-aaway kahit nasa harap ng kanilang anak.

Panoorin ang episode highlights ng Magkaagaw:

Tutukan ang mas tumitinding kuwento sa Magkaagaw, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime.