TV

Hiwalayang Clarisse at Jio | Ep. 80

By Cara Emmeline Garcia

Sa January 21 episode ng Magkaagaw, nagdesisyon na si Clarisse (Klea Pineda) na pagbawalan si Jio (Jeric Gonzales) na makita ang kanilang anak dahil sa aksidenteng sinapit ng mag-ama.

Bumisita rin sa ospital si Veron (Sheryl Cruz) na pinaninindigan ang kanyang pagiging “mother figure” kay Clarisse. Ipamumukha pa nito sa harap ni Laura (Sunshine Dizon) na mas mabuti siyang ina.


Tutukan ang matinding agawan tuwing hapon ang Magkaagaw, Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.