TV

Jio at Veron, ikakasal na sa 'Magkaagaw'?

By Cara Emmeline Garcia

The #JiRon fever is definitely on!

Maliban sa nag-iinit na eksena, ipinasilip ni Magkaagaw actress Sheryl Cruz na baka may maganap na kasalan sa pagitan ng kaniyang karakter na si Veron at ang kalaguyo nito na si Jio -- ang karakter ni Jeric Gonzales.

Sa kanyang Instagram, nag-post ang aktres ng iba't ibang litrato niya habang suot suot ang white gown with a bouquet of roses.

Sinamahan pa niya ng hashtag na “#SummerBride”

Matuloy kaya ang kasalang Jio at Veron? Mabisto kaya sila ni Clarisse? Alamin 'yan sa Magkaagaw, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime.

Mga Kapuso, mapapanood niyo na ang latest episodes ng favorite serye ninyo sa GMANetwork.com o sa GMA Network App.