TV

Sheryl Cruz posts endearing video for 'Magkaagaw' co-star Jeric Gonzales

By Cara Emmeline Garcia

Marami ang kinilig sa birthday greeting ni Magkaagaw star Sheryl Cruz para sa kanyang leading man na si Jeric Gonzales noong Biyernes, August 7.

Ipinagdiwang kasi ng aktor ang kanyang ika-28 kaarawan noong araw na iyon kaya minabuti ni Sheryl na ibahagi ang ilan sa kanilang sweet moments sa set.

Sulat ni Sheryl sa video, “Happy birthday Jeric and more power to you. Keep safe and God bless always. Mananatili, Sheryl.

“I'm so fortunate to have you for my leading man in 'Magkaagaw.'

Todo kilig naman ang fans na sumusuporta sa kanilang love team sa GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw.

Maalalang naging bali-balita noong Enero na nagkakamabutihan ang dalawa dahil sa mala-totohanang relasyon nila onscreen.

Pero kuwento ng 28-year-old na aktor, “Unang-una wala naman akong girlfriend ngayon. Kaya paano magkakaroon ng dahilan para mag-break up? Single ako, single po ako ngayon.

“Natawa saka natuwa nung nabasa ko 'yung articles and 'yung balita. Kasi [ibig sabihin] effective 'yung ginagawa namin sa show na nagiging totoo na sa kanila.”

Samantala, tinawanan na lamang ni Sheryl ang isyu.

Saad niya kay 24 Oras reporter Lhar Santiago, “Since December pa raw? Sinasabi ko na lang sa sarili ko, 'Ah, dahil siguro maganda 'yung ratings ng show namin at popular 'yung show namin, kaya siguro napapg-uusapan kami.”

Quarantine Birthday para kay Jeric
Dahil nasa MECQ ang buong National Capital Region, ipinagdiwang na lamang ni Jeric ang kanyang kaarawan sa bahay kasama ang kanyang pamilya.

Sulat ni Jeric sa kanyang caption, “Thank you Lord for another year and maraming salamat sa lahat ng birthday greetings and wishes, mahal ko kayo. #birthdayquarantine”

Maliban kay Sheryl, maraming personalidad sa industriya ng showbiz ang bumati kay Jeric at kabilang na diyan sina Direk Louie Ignacio, Marian Rivera, Antonio Aquintana, Dennis Padilla, Carlo Gonzales, Andrew E. at marami pang iba.

Celebrities na bumati kay Jeric Gonzales / Source: jericgonzales07 (IG)

Pansamantalang naantala ang taping ng Magkaagaw dahil sa coronavirus pandemic ngunit mapapanood ang latest aired episodes nito sa official website ng GMA o sa GMA app.