TV

Magpakailanman presents 'Life after Death: The Justine Sison Story'



Totoo ba ang life after death? Ikaw, naniniwala ka ba rito?

Ngayong Sabado, kilalanin natin si Jane Sison: isang babae na ang tanging hinangad lang ay makapagbigay ng anak sa kaniyang mister na si Ron. Pero dahil sa tatlong beses na siyang nakukunan, maiisip ni Jane na hindi itinadhana na siya ay maging isang ina.

At kahit mas gugustuhin ni Jane na lagi niyang kasama ang kaniyang mister, hindi niya ito mapipigilang pumalaot para magtrabaho sa isang luxury cruise. Paano niya ba naman makukumbinsi ang lalaki na gawin ang gusto niya, kung hindi niya maibigay ang bagay na hinihingi ng asawa niya: isang anak.

Nang mabuntis ulit si Jane, ginawa na ng babae ang lahat ng kaniyang makakaya para hindi na makunan pang muli. Sa isip niya ay ito na ang magbibigay sa kanila ni Ron ng happy ending na inaasam. Pero nang ipanganak niya si Justine ay lalo pang nawala si Ron sa buhay niya.

Ayon kay Ron, gusto lang niyang kumayod para sa kinabukasan nila at ng kanilang anak; pero nang mapansin ni Jane na hindi na regular na nagpapadala si Ron ng pera para sa kanilang mag-ina ay magsisimula na rin siyang maghinala...na ang happy ending na inasam niya noon, ay ending na lang ng relasyon nila ni Ron ngayon.

Dahil sa pag-aalala, at dahil sa pagdoble ng kaniyang pagkakayod para itaguyod ang anak, mawawalan ng oras si Jane kay Justine. Mapapabayaan ang anak. Hanggang sa magkaroon ito ng malubhang sakit.

Hanggang sa mamatay si Justine.

Anong buhay pa ang naghihintay kay Jane ngayong parang isa-isa nang nawawala ang mga bagay na mahalaga sa kaniya? May pag-asa pa bang natitira para sa isang babaeng umasa at nabigo?

Will there be life after death para kay Jane?

Alamin ang kasagutan ngayong Sabado, April 5, sa Magpakailanman!

Rhian Ramos stars in “Life After Death,” under the direction of Neal del Rosario, with a script by Vienuel Laviña Ello based on the research of Jonathan Cruz. Kasama rin sa episode sina Paolo Contis, Dante Rivero, at Marc Justine Alvarez.