TV

Magpakailanman presents 'Love after the Storm: The Juvilyn Luaña-Tañega story'



Mylene Dizon at Gardo Versoza bida sa isang kakaibang Valentine’s Day story na handog ng Magpakailanman, tungkol sa dalawang biktima ng Typhoon Yolanda na matapos mawalan ng kanilang mga minamahal, ay nakahanap ng pagkalinga at malasakit sa isa’t-isa.

Normal sa mga tao ang malungkot at piling mapag-isa tuwing nagda-dalamhati.

Kaya naman marami ang nagulat kay Juvilyn Luaña-Tañega sa kung paano niya tinatanggap ang pagkamatay ng kaniyang asawa’t mga anak. Pinilit kasi nitong maging masaya, at hindi matulad sa mga kababayan niyang nawawala na sa sarili dahil sa kanilang pagluluksa.

Pero anong lungkot ang tinatago niya sa likod ng kaniyang mga tawa’t ngiti?

At paano ito mapupunan ni Joel, na tulad ni Juvilyn ay naging biyudo nang dahil sa panalalanta ng Bagyong Yolanda?

Sa piling ng isa’t-isa, mahahanap nina Juvilyn at Joel ang bagong dahilan para magpatuloy sa buhay— pero paano tatanggapin ng mga tao ang kanilang pagmamahalan pagkatapos ng kanilang mga pinagdaanan? Posible ba talaga ang love after the storm para sa kanilang dalawa?

Itinatampok sina Mylene Dizon at Gardo Versoza sa mga papel na hindi nila karaniwang ginagawa, “Love After the Storm: the Juvilyn Luaña-Tañega Story” will explore the kind of love na nakaka kilig pa rin; love na may lalim, may maturity, at may mas matinding hadlang: ang kanilang mga pinagdaanan nang kani-kaniyang true love stories.

Kasama rin sa episode na ito sina Gene Padilla, Ar Angel Aviles, Jenny Alvarez, Don Umali, Roi Vinzon, at Francine Garcia; sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario, at sa panulat ni Senedy H. Que, mula sa pananaliksik ni Jessie Villabrille.

Magpakailanman airs ngayong darating na Araw ng mga Puso, Saturday, February 14, pagkatapos ng Pepito Manaloto.