TV

Magpakailanman presents 'Rehas ng Pag-ibig'



Posible ba ang ma-in love sa isang taong hindi mo pa nakikita, at sa text messages mo lang nakilala? Paano kung malaman mo na ang taong minahal mo sa mga tawag at text ay ibang-iba pala sa taong makikilala mo ng personal? Magagawa mo pa ba siyang mahalin?

Ngayong Sabado, bibigyang buhay ni Jennylyn Mercado ang buhay at buhay pag-ibig, ni “Mavic,” isang babaeng nagmahal ng totoo—sa taong hindi magawang sabihin ang totoo sa kaniya: si “Danny,” na siyang gagampanan ni Alden Richards.

Paano magfo-flourish ang relationship na ito— lalo pa ‘pag nalaman na ni Mavic ang mga lihim na itinatago sa kaniya ng kaniyang kauna-unahang boyfriend?

Matapos maging reliable at dependable sa kaniyang pamilya, magagawa ba ni Mavic na pagbigyan naman ang sarili sa kaniyang kabaliwan sa pag-ibig? O magwawagi ba ang kaniyang responsible personality para talikuran ang posibleng last chance niya sa pag-ibig?

Pagkatapos ng marubdob na performance sa recently-concluded Second Chances, handa na si Jennylyn na i-embrace ulit ang feeling ng falling in love for the first time—at mga nakakatawang moments na kaakibat nito—lalo pa sa piling ng kaniyang hunk-na-hunk na co-star!

At sa kauna-unahang pagkakataon, Alden Richards portrays a role kung saan ang clean-cut at good-boy image niya ay nagtatago ng sikretong makasisira ng mga buhay—at pag-ibig.

Isang kakaibang pagtatambal at isang kakaibang kuwento ng pag-ibig ang handog ng Magpakailanman, ngayong Sabado, sa “Rehas ng Pag-ibig,” kung saan mapapanood rin sila Lui Manansala, Chariz Solomon, Jhayvot Galang, at Diva Montelaba— sa ilalim ng mapaglarong panulat at direksyon ni Irene Villamor, based sa research ni Jessie Villabrille!

Magpakailanman airs this Saturday, May 23, pagkatapos ng Pepito Manaloto.