TV

Magpakailanman presents 'Ang mga Lihim ni Rovie'

 


Hanggang kailan nga ba mananatiling lihim ang mga lihim ng ating nakaraan kung ang mga ito’y nagbabalik at gumugulo sa ating kasalukuyan?

Isa si Rovie sa mga taong may madilim na nakaraan na pilit niyang kinakalimutan ngayon upang magpatuloy sa isang buhay na kanyang pinangarap. Isang simpleng buhay kasama ang lalaking kaniyang minamahal at ang kaniyang mga anak na nagpapatatag sa kanya. Ngunit sa gitna ng tahimik na buhay, isang rebelasyon ang kailangan niyang harapin nang malaman ng kaniyang asawa ang masalimuot nitong nakaraan bilang rape victim sa tatlong magkakaibang lalaki, kabilang ang kaniyang pinakamamahal na ama.

Ating alamin ang nakalulungkot at nakabibiglang kuwento ni ROVIE kasabay ng ating pagtuklas sa kaniyang mga natatanging lihim ng kanyang nakaraan sa darating na Sabado, April 9, 2016.

Tunghayan din natin ang kakaibang pagganap ni LJ Reyes bilang Rovie kasama ang mga mahuhusay na aktor na sina Benjamin Alves, Michael de Mesa, Roi Vinzon, Diva Montelaba at Irma Adlawan.

Sa Direksyon ni Neal Del Rosario, sa panulat ni Vienuel Ello at sa pananaliksik ni Jessie G. Villabrille.

Ang Magpakailanman ay mapapanood tuwing Sabado, pagkatapos ng Lip Sync Battle Philippines.