TV

Life story ni 'The Clash' champion Golden Cañedo sa 'Magpakailanman,' panalo sa ratings

By Michelle Caligan

Tinutukan ng maraming Kapuso viewers ang kuwento ng buhay ng kauna-unahang The Clash champion na si Golden Cañedo sa Magpakailanman noong Sabado, October 20.

Panalo sa ratings ang naturang episode, na maituturing ding first acting role ni Golden dahil siya mismo ang gumanap sa kanyang sarili.

Nakakuha nito ng rating na 9.0 sa Nielsen Phils. TAM (Arianna) NUTAM People Ratings, habang 8.2 lamang ang nakuha ng katapat nitong programa.