TV

Magpakailanman presents 'The Healing Touch of Love: The Noriel Bañes Story'

 

 

Bunso sa sampung magkakapatid si Noriel Banes. At sa edad na 36 ay tinamaan na siya ng sakit na sinasabing taglay ng kanilang pamilya mula pa sa kanunu-nunuan nila.

Dystonia ang sakit ng mga lalaki sa kanilang pamilya, isang klase ng cerebral muscle dystrophy na kung saan tumitigas at namimilipit ang mga muscle ng buong katawan. Nagpapakita ang sintomas nito sa mga lalaking may taglay nito sa kapag sila ay nasa mahigit 30 anyos.

Sa kaso ni Noriel, sa edad na 34 siya tinamaan ng sakit. At sa kasalukuyan ay apektado na ang kanyang paglalakad, pagsasalita, galaw ng leeg at ulo at maging ang kanyang sex life.

Apat sa kanyang kapatid na lalaki ang tinamaan na ng sakit na Dystonia. Dalawa sa mga ito ay namatay na at dalawa pa ang bed ridden na sa ngayon. Bagay na itinuturing umano na sumpa sa kanilang pamilya.

Pero ng dahil sa pagre-research nila at paglapit sa mga doctor ay namulat sila na medical condition pala ang meron ang kanilang pamilya. Babae ang carrier ng sakit at sa mga lalaking miyembro ng angkan nila nakikita ang sintomas ng sakit.

Dating semenarista si Noriel, subalit lumabas siya sa seminaryo nang ma-meet niyang muli ang high school crush na si Jorina. Agad silang nagkamabutihan at nagdecide na magpakasal kahit pa malapit na siyang maging pari. 

Nagtrabaho bilang gym instructor si Noriel dahil high school pa lang ay health buff na siya. Nang ma-diagnose siya na may Dystonia rin ay natakot siya pero di nawalan ng pag-asa. Ang mas naapektuhan ay si Jorina dahil kakapanganak lang nito sa kanilang ikalawang anak.

Alam kasi ni Jorina na debilitating ang sakit ng asawa. Hindi na rin maalagaan ni Noriel ang mga anak dahil madalas ay nawawalan ng gana ang kamay at paa nito. Ilang beses na rin na nadapa sa kalye si Noriel dahil napipilipit bigla ang paa nya.

Apektado ang sex life nilang mag asawa dahil hindi na siya makagalaw ng maayos at sinabi rin niya na siya na mismo ang nahihiya sa asawa dahil sa kanyang kalagayan.

Ang mga bagay na ito ang nagbunsod para si Noriel ay ma-insecure at mamuo ang selos sa asawa lalo pa at lalaki ang boss nito at ilang katrabaho sa opisina. Nang malaman ito ni Jorina ay puno ng pang-unawang inintindi niya ang asawa at ipinaliwanag dito na hindi magiging hadlang ang sakit ni Noriel sa kanilang pagsasama. Hindi rin umano magbabago ang pagmamahal niya kay Noriel sa kabila ng sakit nito.

Walang gamot ang kanyang sakit. Ang tanging magagawa lang ay uminom siya ng muscle relaxant para kahit paano ay magnormalize ang kanyang kalagayan. Subalit dahil sa tibay ng pagmamahal at pananampalataya nila sa Diyos ay hindi nawawalan ng pag asa ang mag asawa na balang araw ay babalik sa dati ang kalagayan ni Noriel.

Ngayong Sabado, ating tunghayan sa Magpakailanman ang kwento ng pakikipagsalaparan ni Noriel laban sa kanyang sakit sa episode na pinamagatang, ”THE HEALING TOUCH OF LOVE:The Noriel Bañes Story”

Itinatampok sina Martin Del Rosario as Noriel, Ryza Cenon as Jorina, Rey Abellana as Bitong, Renz Fernandez as Benny, Kevin Santos as Chubby Seminarian, James Teng as Dave, Vaness del Moral as Jessa,Lharby Policarpio as Jhay, Princess Guevarra as Mutya.

Sa direksyon ni Neal del Rosario, sa panulat ni Vienuel Laviña Ella at sa pananaliksik ni Rodney Junio.