TV

Magpakailanman presents 'My Breastfeeding Dad: The Anton Ramos Story'

Ang breast feeding ay nakatutulong sa pag-iwas sa karamdaman, at nakababawas ng mga halagang pangpapakain at pangangalagang pangkalusugan ng isang bata. Kaya naman karamihan sa mga nanay ay talagang ginagawa o itinataguyod ito.

Ngunit paano kung wala na ang ina para gawin ito? Makakayanan ba ng isang ama na gampanan ang responsibilidad bilang isang “breastfeeding dad?" 

Mula ng makilala ni Anton si Cel ay di na nya ito tinantanan. Ang simpleng kulitan ay nauwi sa malalim na pagtitinginan. Hindi nagtagal, nagsama sina Anton at Cel at biniyayaan ng isang anak. Ngunit ang inaakala nilang pagsisimula ng isang magandang buhay bilang pamilya ay susubukin ng isang trahedya… na hindi lamang susubok kay Anton bilang asawa, ngunit susubok din sa kanya bilang isang ama. 

Para bigyang-pugay ang ating mga ama ngayong Father’s day, tunghayan ang totoong kwento sa likod ng viral article na ito sa natatanging pagganap ng award-winning actor na si Diether Ocampo at Ms. World 2013 Megan Young. Makakasama din sina Menggie Cobarrubias, Shermaine Santiago, Faith de Silva, Dentrix Ponce, Rafa Siguion-Reyna, Dave Bornea at Janna Trias.

Ang episode na “My Breastfeeding Dad: The Anton Ramos Story ” ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Neal del Rosario, mula sa panulat ni Jules Katanyag at pananaliksik ni Cynthia Delos Santos. Mapapanood ngayong Sabado, June 17, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao,Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto.