TV

Katrina Halili, nagpasalamat sa panalo ng kaniyang latest 'Magpakailanman' episode

By Marah Ruiz

Tila isang belated birthday gift para kay Kapuso actress Katrina Halili ang ratings ng nakaraang episode ng real life drama anthology na Magpakailanman na pinagbidahan niya.

Katrina Halili


Tampok si Katrina bilang ang mapang-akit na madrastang si Mikaela sa episode na pinamagatang "Mahal Ko ang Asawa ng Ama Ko."

Umere ito noong January 5, isang araw matapos ang kaniyang kaarawan noong January 4.

Nagtala ang episode ng 13.0 laban 7.7 ng kasabay na palabas sa kabilang estasyon.

Base ito sa National Urban Philippines Audience Shares ng Nielsen Television Audience Measurement.

"Maraming salamat sa lahat ng nakanuod ng Magpakailanman “mahal ko ang asawa ng tatay ko” directed by @lifeisbyutipaul," sulat niya sa kanIyang Instagram account.


Trending din sa number one spot ngayong araw na ito, January 7, ang nasabing episode sa YouTube. Sa katunayan, may 986,396 views na ito sa video sharing site as of press time.


Panoorin ang episode na ito kung saan tampok din sina Allan Paule, Dion Ignacio at Bruce Roeland.