TV

Magpakailanman presents 'Bus-ta't Kasama Kita'

Naniniwala ka ba sa love at first sight? Eh sa destiny?

Malapit na ang Valentine's Day. Napakarami na namang magse-celebrate ng kani-kanilang pag-iibigan, habang ang iba sa atin ay hinihintay pa din ang pagdating ng kanilang “forever.”

Mel Tiangco

Ngayong buwan ng mga puso, sa natatanging pagganap nina Zoren Legaspi at Ashley Ortega, tunghayan ang kuwento ng dalawang nagmamahalan na nagsimula ang love story dahil sa pagkakasabay lamang sa isang biyahe sa bus?!

Makakasama sa nasabing episode sina Bodjie Pascua, Archie Adamos, Jenine Desiderio at Ameera Johara na pinamagatang “Bus-ta't Kasama Kita.” Sa ilalim ng direksyon ni Jorron Monroy, mula sa panulat ni Jessie Villabrille at pananaliksik ni Cynthia Delos Santos, mapapanood ito ngayong Sabado, February 2, 2019, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Daddy's Gurl.