TV

Magpakailanman presents 'Never Give Up: The Ken Chan and Rita Daniela Story'

Sa totoong buhay man o sa mga papel na kanilang ginagampanan sa My Special Tatay, tiyak na tayo ay natuwa, kinilig at nabigyan nila ng inspirasyon.

Ken Chan and Rita Daniela

Ngayong Sabado, ating kilalanin at balikan ang mga hamon sa buhay na hinarap nina Ken Chan at Rita Daniela bago nila natamasa ang katuparan ng kanilang mga pangarap.

Makakasama sa nasabing episode sina Sharmaine Arnaiz, Shyr Valdez, Jong Cuenco, William Lorenzo at Nicole Donesa na pinamagatang “Never Give Up: The Ken Chan and Rita Daniela Story”, sa ilalim ng direksyon ni Philip Lazaro, mula sa panulat ni Jessie Villabrille at pananaliksik nina Angel Lauño at Georis Tuca.

Mapapanood ito ngayong Sabado, March 2, 2019, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Daddy's Gurl.