TV

Jak Roberto: 'Sayawan mo ang problema'

By Cara Emmeline Garcia

Malapit nang mapapanood ang kwento ng “Big Papa” ng social media na si Dante Gulapa sa weekly anthology show na Magpakailanman.

Jak Roberto

Ang gaganap bilang ang binatang Dante ay walang iba kundi ang Pambansang Abs na si Jak Roberto.

Aminado si Jak na maraming na-curious sa kaniyang pagganap bilang ang viral social media sensation.

“Kung baga, ang daming nagtatanong at saka na-curious kung ano nga ba yung nasa teenage years ni Dante Gulapa.

“Positive naman yung mga comments at maraming excited na,” aniya.

Kuwento rin ng Kapuso star, noong unang araw ng kaniyang taping ay kinakabahan at kinakapa pa niya ang dance moves ni Dante.

Masuwerte na lang daw siya at naturuan siya ng dancer ng one-on-one.

Ang tip ni Dante? “Technique sa legs, sa tiyan, para kailangan talaga mabagal na galaw.

“Noong tinuturo niya sa akin sabi niya, 'Basta, tingin ka lang lagi sa audience, 'tapos pagbalik mo bigla kang ga-ganun,'” patawang ikinuwento ni Jak.

WATCH: Dante Gulapa, personal na itinuro kay Jak Roberto ang kanyang dance moves

Ano naman ang natutunan ng aktor sa buhay ni Dante?

"Wag ka lang sumuko sa gusto mo at darating din na ibibigay sa iyo yung pagkakataon,” sagot ni Jak.

Dagdag pa niya, "At sa kahit anong problema, parang sayawan mo lang kasi lahat yan nasusulusyunan."

Panoorin ang chika ni Cata Tibayan:


Abangan ang kwento ni Dante Gulapa sa Magpakailanman ngayong Sabado, March 23 sa GMA7.

WATCH: Jak Roberto, bibida sa 'Magpakailanman' bilang binatang Dante Gulapa