TV

'Magpakailanman' episode featuring Jak Roberto as Dante Gulapa trends online

By Bianca Geli

Trending online ang episode ng Magpakailanman na “Kuwento ng Pag-indak” kung saan tampok ang kuwento ng kasalukuyang social media sensation na si Dante Gulapa.

Bumida sa episode na ito ang Kapuso actor na sio Jak Roberto, na gumanap bilang ang dating macho dancer na si Dante Gulapa.


Todo supporta naman si Sanya Lopez sa kaniyang Kuya Jak, na pabirong nag-tweet habang nanonod ng Magpakailanman.

“Nasan ba yung pambambo ni lola,” sabi ni Sanya sa kaniyang tweet na nagpapakita ng pagsayaw ni Jak ng kilalang eagle dance move ni Dante.

Sagot naman sa kaniya ni Jak, “Huyyy matulog ka na nga!”


Umani rin ng papuri si Jak sa kaniyang makatotohanang pagganap at mahusay na pag-sayaw.


Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni Jak sa mga magagandang salita na natanggap niya tungkol sa pagganap niya bilang si Dante Gulapa.

Sa kabilang banda, may ilan ding naantig sa istorya ng buhay ni Dante.


Balikan ang interview ni Dante Gulapa sa Magpakailanman: Kuwento ng Pag-indak episode.


#MyTurn: Sanya Lopez, nag-react sa pagiging macho dancer ni Jak Roberto

Jak Roberto, ipinakita kay Barbie Forteza ang macho dance moves ala-Dante Gulapa