TV

Magpakailanman presents 'Kailan Naging Ama ang Isang Babae: The Roxanne D' Salles Epic Story' (Part 2)

Ngayong June 22, buong pusong inihahandog ng MAGPAKAILANMAN ang isang very special two-part Father's Day at LGBTQ Pride Month episode na pinamagatang KAILAN NAGING AMA ANG ISANG BABAE: THE ROXANNE D' SALLES EPIC STORY.

Magpakailanman

Tungkol ito sa makulay na buhay ni Roxanne D' Salles na kilala dati bilang Roland Aggabao, isang dating US Army na napahiwalay sa kanyang dalawang anak mula sa dalawang babae at isa sa mga unang Pinoy sa buong mundo na sumailalim sa sex re-assignment surgery.

Matapos piliin ni Roland na akuin ang responsibilidad niya bilang asawa at ama, hindi pa rin lubos ang kasiyahan niya dahil alam niyang nabubuhay pa rin siya sa isang malaking kasinungalingan.

Nang ipinagtapat niya kay Milette na isa siyang closet gay, nag-divorce sila at mula noon hindi na niya nakita pa ang kanyang anak.

Makalipas ang maraming taon, nagpakatotoo na si Roland sa sarili at muling nagmahal ng isang lalake, si Jerry. Pero masusubok ang pagmamahalan nilang dalawa nang magkaanak si Roland sa ibang babae. Pero tulad nang nangyari sa isa pa niyang anak, inilayo rin ang pangalawa niyang anak nang malaman nang nabuntis niya na isa siyang transgender.

Hanggang sa tuluyang yinakap na ni Roland ang kanyang totoong pagkatao. Sumailalim siya sa isang sex re-assignment surgery at naging isang ganap ng babae. Mula sa pangalang Roland Aggabao, kilala na siya ngayon bilang si Roxanne D'Salles.

Pero napagtanto ni Roxanne na bagama't isa na siyang babae, nananaig pa rin ang puso niya bilang isang ama hanggang sa mabigyan siya ng pagkakataon na muling makita ang dalawa niyang anak.

Ngayong isang ganap na siyang babae, paano kaya haharapin ni Roxanne ang mga hamon ng pagiging isang ama?

Pinagbibidahan ito ng Gawad Urian at international award-winning Best Actor na si Allen Dizon bilang Roland/Roxanne. Kasama ang mga Kapuso actors na sina Clint Bondad bilang Jerry, Dave Bornea bilang Roland, Analyn Barro bilang Mae, Jenny Miller bilang Milette, Kaya Klaws bilang batang Mae at April "Congratulations" Gustilo bilang Grace.

Sa direksyon ito ni Zig Dulay, mula sa panulat ni John Roque at pananaliksik ni Rodney Junio.