TV

WATCH: Max Collins at Pancho Magno, naranasan nang ma-scam online

By Marah Ruiz

Gaganap ang Kapuso couple na sina Max Collins at Pancho Magno bilang mag-asawang biktima ng online love scam sa upcoming episode ng real life drama atnhology na #MPK o Magpakailanman.

Max Collins and Pancho Magno

Sa tunay na buhay, naranasan na rin daw nilang ma-scam online.

"Bumili ako ng sneakers. 'Yun ang usong uso noong time na 'yun. Nagbayad ako using my credit card then walang dumating. Hindi rin nagre-reply.

"Isa pa 'yun sa ano na huwag kang papasok sa bagay na wala kang ring idea. Tama nga, mag-background check ka kung legit ba 'to," bahagi ni Pancho.

Poser account naman ang naging problema ni Max noon.

"May nagpanggap bilang ako. That's why wala akong Facebook account. May mga ganoong posers talaga so kawawa naman 'yung mga niloko nila.

"Kailangan talagang mag-background check. Maraming ways naman para mag-check kung totoo talaga 'yung kausap mo. At huwag basta basta magtiwala," aniya.

Panoorin ang kanilang interview sa Sikat Sa Barangay.

Samantala, abangan ang kanilang #MPK episode ng pinamagatang "Ang Kabit na Walang Mukha" ngayong Sabado, January 18 pagkatapos ng Daddy's Gurl sa GMA.

#MPK: Ang Kabit na Walang Mukha | Teaser Ep. 367