TV

Rita Daniela, bibida sa '#MPK' story tungkol sa bayaning aso

Tampok si Kapuso singer and actress Rita Daniela sa upcoming episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Gaganap si Rita dito bilang Jessy, isang babaeng may multiple sclerosis. Makakaranas ng depresyon ni Jessy pero magbabago ang kanyang buhay nang ibigay sa kanya ang asong si Patras.

Inalala ng aktres ang sarili niyang alaga dahil sa episode.

"We both grew up at the same time, she witnessed all my victories and failures in life. She was always there to comfort me and to give me hope and joy. She won't be replaced.. So grateful to have her as my hero," sulat niya sa kanyang Instagram account kasama ang maikling video ng kanyang alagang si Kikay.


Abangan si Rita sa "My Hero Dog (The Jessy Tuazon Story)," February 15 sa #MPK.


Magpakailanman presents 'My Hero Dog (The Jessy Tuazon Story)'


LOOK: Ken Chan and Rita Daniela rehearse with Pops Fernandez and Martin Nievera for Valentine concert