TV

StarStruck Season 7 alum Abdul Rahman, gaganap bilang homophobic na binata sa '#MPK'

By Marah Ruiz

Tampok sa upcoming episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman si StarStruck Season 7 alum Abdul Rahman.

Ito ang pre-Lenten presentation ng #MPK at iikot ang istorya nito sa isang relihiyosang ina na masusubok ang pananampalataya dahil sa iba't ibang dagok na haharapin sa buhay.

Makakasama ni Abdul dito ang beteranang aktres na si Glydel Mercado na gaganap bilang kanyang inang si Beth. Kasama din sa episode sina Jenzel Angeles, at kapwa StarStruck Season 7 alum na si Allen Ansay.

IN PHOTOS: Glydel Mercado bilang relihiyosang ina sa '#MPK'


"Gustong-gusto ko 'yung papel ko dito kasi it gave me an opportunity to express my capability of being a kontrabida," bahagi ni Abdul.

Isang homophobe o taong mapang-alipusta sa mga miyembro ng LGBTQ+ kasi ang role niya bilang si Elly.

"Homophobe ako kasi galit ako sa bunso namin dahil naging bakla [siya]. Kada makikita ko 'yung pagmumukha niya, galit na galit ako. Sinasabi ko, 'Ayusin mo nga 'yan, 'Wag kang malandi, 'Wag kang ganyan,'" paglalarawan niya sa kanyang karakter.

Hindi man daw Katoliko at lalong hindi siya homophobic, kaya lubos daw na-enjoy ni Abdul ang pagganap sa karakter na taliwas sa kanya sa tunay na buhay.

"If I would describe my character in more detail, it's not really a kontrabida. Yes, there are bad traits kasi homophobe ako dito. I'm very extremist with my religion which is Catholicism. Kahit na Muslim ako in real life, I find it enjoyable playing as a character that's the exact opposite of me," aniya.

"Kaya ko po nasabi na hindi totally kontrabida is because deep inside parang he just cares for his little brother, although hindi tama 'yung pagka-approach niya," dagdag pa niya.

Panoorin ang pagbisita ni Abdul kasama ang kanyang kapwa StarStruck Season 7 alum at #MPK co-star na si Allen Ansay sa Bidang Bida sa Dobol B.


#MPK: A Mother's Faith | Teaser Ep. 372

Huwag palampasin si Abdul sa upcoming #MPK episode na pinamagatang "A Mother's Faith," ngayong February 22 pagkatapos ng Daddy's Gurl sa GMA.