TV

Katrina Halili at Dion Ignacio, magtatambal sa 'twinning' episode ng '#MPK'

By Marah Ruiz

Kuwento ng isang biyuda at isang pares ng kambal ang tampok sa upcoming episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating sa Sabado.

Pagbibidahan ito ng mga Kapuso stars na sina Katrina Halili at Dion Ignacio.


Si Katrina ay si Connie habang si Dion naman ang asawa niyang si Jak.

Magkakahiwalay ang dalawa nang mabalitaan ni Connie na may ibang babae si Jak.

Babalikan naman ni Connie si Jak para alagaan ito nang malaman niyang mayroon malubhang karamdaman ang asawa.

Sa kasamang palad, mamamatay din si Jak.

Makikilala ni Connie si Jill, na gaganapan din ni Dion, sa libing ni Jak.

May sama ng loob si Jill kay Connie dahil ito ang sinisisi niya sa pagkamatay ng kakambal.

Pero kahit hindi niya kasundo si Connie, siya pa rin ang naging katuwang nito sa pagpapalaki ng mga anak na naulila ni Jak.

Dahil dito, mahuhulog ang loob ni Connie kay Jill. Masama bang umibig sa kakambal ng iyong yumaong asawa?

Abangan ang kuwentong ito sa "Kambal na Pagmamahal: The Connie Guarino Story," ngayong Sabado, September 12, 8:00 pm sa '#MPK.'