TV

Carla Abellana, gaganap bilang isang baby maker sa '#MPK'

By Marah Ruiz

Tampok si Kapuso actress Carla Abellana sa upcoming episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong Sabado.

Bibigyang-buhay niya si Naneth, isang tinaguriang "baby maker."

Nagtatrabaho si Naneth bilang isang prostitute sa Maynila.

Nang magkasakit ang kanyang ina, hindi magkamayaw si Naneth kung saan kukuha na pera sa pagpagamot dito.

Aalukin naman siya ng kanyang regular customer na si Rudy (Ryan Eigenmann) na magbuntis para sa kanya.

May problema daw kasi sa matris ang asawa ni Rudy kaya hindi sila mabiyayaan ng anak.

Kapalit nito ang pagtustus ni Rudy sa lahat ng kailangan ni Naneth at may allowance pa itong iaabot sa kanya.

Pero nang buntis na si Naneth, bigla na lang siyang tatakbuhan ni Rudy.

Ano ang mangyayari kay Naneth at sa batang dinadala niya?

Abangan ang kuwentong ito sa "Sinapupunang Paupahan: The Naneth Villegas Story," ngayong Sabado, September 19, 8:00 pm sa '#MPK.'