TV

Angela Alarcon, excited na sa kanyang first ever '#MPK' episode

By Marah Ruiz

Unang beses na magiging bahagi ng isang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman si Kapuso actress Angela Alarcon.



Isa siya sa gaganap sa fresh at brand new episode ng pinamagatang "Mister, Bugbog Kay Misis" na mapapanood ngayong parating na Sabado.

"Unang unang episode ko kasi 'to ng Magpakailanaman.

"Sobrang excited ako to share this with you guys. Since first time ko ngang maka-work si Andrea Torres and si Juancho Trivino, I'm very excited na to share this with all of you," pahayag ni Angela sa Kapuso Brigade Zoomustahan na ginanap noong November 24.

Si Juancho ang gaganap bilang battered husband na si Mark habang si Andrea naman ang asawa nito.

Si Angela ang kaibigan ni Mark na si Anna.

"I'm gonna portray Anna. Si Anna 'yung first love ni Mark, kababata din ni Mark.

"Si Anna, handa siyang sumakripisyo para sa mga mahal niya sa buhay. Sobrang mahal nga niya si Mark at 'yung pamilya niya," kuwento ni Angela.

Mabigat man ang tema ng episode na domestic violence, proud daw si Angela sa kinalabasan ng nito.

"'Yung eksena namin, sabi nga ni Juancho, mabigat siya.

"May scene din na first time ko rin gawin in acting, kasi parang may mga [maseselang eksena]. Natuwa naman ako na nagawa ko nang maayos.

"Since first time ko nga, it's something to be proud of din talaga na gawin," aniya.

Abangan si Angela sa kanyang unang paglabas sa #MPK sa episode na pinamagatang "Mister, Bugbog Kay Misis" ngayong Sabado, November 28, 8:15 p.m.