GMA Logo ashley Ortega with althea ablan and therese malvar in magpakailanman
What's on TV

Ashley Ortega, pinuri ng viewers sa kanyang pagganap sa 'Magpakailanman'

By Racquel Quieta
Published August 15, 2021 11:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

ashley Ortega with althea ablan and therese malvar in magpakailanman


Basahin ang mga reaksyon ng viewers at netizens sa pagganap ni Ashley Ortega sa 'Magpakailanman.'

Napabilib ang viewers at netizens ng madamdaming pagganap ni Ashley Ortega sa real life drama anthology na Magpakailanman nitong Sabado, August 14.

Si Ashley ang gumanap bilang Jessa, ang bida sa episode na pinamagatang "Abusive Father."

Sa nasabing episode, ang karakter ni Ashley ang panganay na anak na paulit-ulit inabuso ng kanilang sariling ama.

Si Ashley Ortega bilang si Jessa sa 'Magpakailanma,' kasama sina Therese Malvar, Althea Ablan, at Michael Flores / Source: @GMAMagpakailanman (FB)

Si Michael Flores ang gumanap bilang ama ni Ashley, habang si Nina Ricci Alagao naman ang gumanap bilang kanilang ina.

Kasama rin ni Ashley sa nasabing episode ang Prima Donnas star na si Althea Ablan at ang award-winning Kapuso actress na si Therese Malvar.

Labis ang pagdurusa ng karakter ni Ashley na si Jessa dahil bukod sa paulit-ulit siyang ginahasa ng kanilang ama ay hindi pa siya pinaniniwalaan ng kanilang nanay.

Kaya naman hindi maiwasan ng viewers at netizens na maantig sa istorya ng Magpakailanman episode, at marami ang nabilib sa galling sa pag-arte ng Kapuso star na si Ashley.

Bumilib ang viewers at netizens sa pagganap ni Ashley Ortega bilang Jessa / Source: Twitter

Marami rin ang pumuri sa husay ni Ashley umarte, mapa-bida man o kontrabida ang kanyang role. Mayroon pa ngang netizen na dapat daw nilabanan ng kontrabidang karakter ni Ashley sa Legal Wives na si Marriam ang rapist nitong ama sa istorya ng Magpakailanman.

Hanga ang mga viewers sa versatility ni Ashley Ortega / Source: Twitter

Mayroon ding inihalintulad ang galing sa pag-arte ni Ashley sa ibang Kapuso stars na sina Katrina Halili, Rhian Ramos, Carla Abellana at Marian Rivera.

Para sa isang netizen, kasing galing ni Ashley Ortega ang Kapuso stars na sina Katrina Halili, Rhian Ramos, Carla Abellana at Marian Rivera. / Source: Twitter

Balikan ang mga eksena sa "Abusive Father" episode na pinagbidahan ni Ashley Ortega sa Magpakailanman sa gallery na ito.