TV

Kokoy de Santos, pansamantalang naranasan maging bulag sa '#MPK'

By Marah Ruiz

Gaganap ang aktor na si Kokoy de Santos bilang isang lalaking bulag sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Bibigyang-buhay niya kasi ang kuwento ni Mark Joseph "Aga" Casidsid, isang blind marathon runner.

"Kailangan n'yong abangan itong episode na ito dahil maraming marami kayong aral na mapupulot dito. Kasi ako personally, noong nagte-taping kami, ang dami kong nakuhang aral. Tingin ko, lagi ko na ring babaunin 'to," pahayag ni Kokoy tungkol sa episode.

Para maipakita ang kundisyon ng mga mata ni Aga, kinailangang magsuot ng prosthetics ni Kokoy.


"Habang tine-taping namin 'yun, 'yung contact lens, 'yung lenses na nakalagay sa akin, wala po talaga akong nakikita at all. Grabe 'yung hirap na dinanas ko noong taping na 'yun," paggunita niya.

Kaya naman daw talagang inspiring para sa kanya ang kuwento ni Aga.

"Isipin n'yo what more kung halimbawa sa inyo 'yun [nangyari], talagang mahirap. Mahirap talaga pero si Aga, hindi naging hadlang 'yun para makamit ang mga pangarap at goals niya sa life," lahad ni Kokoy.

Very proud daw ang aktor sa episode kaya iniimbitahan niya ang mga Kapuso na panoorin ito.

"Makakasama po natin dito si Ms. Snooky Serna, Sir William Lorenzo, Marx Topacio, Kristoffer Martin at siyempre, ako po, Kokoy de Santos. Maraming maraming salamat, mga Kapuso at see you!" paanyaya niya.

Huwag palampasin ang natatanging pagganap ni Kokoy sa fresh at brand new episode na "The Blind Runner: The Mark Joseph 'Aga' Casidsid Story," March 5, 8:00 pm sa '#MPK.'

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: