GMA Logo Zephanie in MAKA
What's on TV

Zephanie, aminadong na-challenge sa Gen Z series na 'MAKA': 'First time kong mag-drama'

By Aimee Anoc
Published September 6, 2024 6:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie in MAKA


Bakit kaya challenging para kay Zephanie ang bagong youth-oriented drama series ng GMA Public Affairs na 'MAKA'?

Aminado si Zephanie na challenging para sa kanya ang upcoming Gen Z series na MAKA, lalo na, aniya, ito ang unang beses na sasabak siya sa isang drama series.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Zephanie ang excitement na nararamdaman nang malamang kasama siya sa cast ng MAKA.

"Noong binalita po sa akin na magiging parte ako ng MAKA, na pinakabagong show ng GMA Public Affairs, sobra po akong masaya," sabi ni Zephanie.

"Kasi, syempre, 'yung mga teen oriented shows I think iyon 'yung mga shows na inaabangan ko simula nang bata ako. Parang iba lang kapag nakaka-relate ka and iba lang din kapag nakikita mo kung paano nabubuhay 'yung mga character na very true to life."

Dagdag pa ni Zephanie, challenging para sa kanya ang inspirational teen drama.

"Ang pagkakaiba po nito sa mga naging project ko before, ito mas mayroong drama na talaga, siguro mas malalim na. And for me, medyo challenging po iyon kasi first time kong magda-drama. But, I know that it would be growth for me and sa acting ko po."

Sa MAKA, makikilala si Zephanie bilang Zeph Molina, isang high school student at ang best singer sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas Mac Arthur High School for the Arts o MAKA.

"Si Zeph isa s'yang gifted singer and actress. Marami s'yang gustong ipaglaban at i-prove sa mga tao sa paligid niya, lalong-lalo na sa nanay n'ya.

"Medyo matatakutin at mahiyain si Zeph on stage pero hindi ito magiging hadlang para maabot n'ya 'yung mga pangarap n'ya. At syempre, hindi siya mag-isa sa pag-abot ng pangarap n'ya dahil marami s'yang makakasama na mga kabataan din na tulad niya at isang guro na muling bubuhay sa sining sa bayan ng Mac Arthur.

Ayon kay Zephanie, hindi nalalayo ang karakter niya sa MAKA sa kung sino siya sa tunay na buhay.

"'Yung character ko rito is very similar pa rin sa kung sino ako, hindi sumusuko at maraming ipinaglalaban sa buhay," aniya.

Makakasama ni Zephanie sa MAKA ang kapwa niya Sparkle young stars na sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, Chanty Videla, at May Ann Basa. Makakatrabaho rin niya sa teen show ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.

Abangan si Zephanie sa MAKA, simula September 21, 4:45 p.m. sa GMA.