
Maraming netizens ang na-excite at na-touch sa kuwento ng pinakabagong youth-oriented drama series na MAKA, matapos na mapanood ang full trailer nito na inilabas noong September 17.
Sa TikTok pa lamang, mayroon nang mahigit 1.7 million views ang full trailer ng MAKA at umani rin ito ng libo-libong likes at comments.
Ilan sa papuring natanggap ng MAKA ay tungkol sa magandang storyline nito, may aral at lalim ang kuwento, at ang nakaka-"goosebumps" na pagganap ng young cast sa kanilang mga karakter.
Tampok sa inspiring teen show na ito, na may musical elements, ang kuwento ng high school students sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas MacArthur High School for the Arts o MAKA.
Matutunghayan dito ang ilang relatable issues na kinakaharap ng mga Gen Z at ang kanilang pakikisalamuha sa ibang henerasyon tulad ng millennials, Gen X, at boomers.
Pagbibidahan ang MAKA ng Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa o "Bangus Girl."
Makakasama rin sa teen show ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Abangan din sa MAKA ang reunion ng That's Entertainment stars na sina Tina Paner, Sharmaine Arnaiz, Maricar de Mesa, at Jojo Alejar, kasama ang beteranang aktres at singer na si Carmen Soriano.
Abangan ang MAKA tuwing Sabado, simula September 21, 4:45 p.m. sa GMA.
KILALANIN ANG CAST NG MAKA SA GALLERY NA ITO: