GMA Logo Kara David and MAKA star Zephanie
Photo by: iamkaradavid (IG); zephanie (IG)
What's on TV

Kara David, umaming fan ni Zephanie: 'Mahusay umarte at umawit'

By Aimee Anoc
Published September 24, 2024 1:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kenneth Llover stops Chinese foe, retains OPBF crown
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Kara David and MAKA star Zephanie


Maging ang award-winning documentarist na si Kara David ay napahanga ng singer-actress na si Zephanie sa Gen Z series na 'MAKA.'

Hindi napigilang humanga ng award-winning documentarist na si Kara David sa talento ng Sparkle actress at MAKA star na si Zephanie.

Ipinarating ni Kara David ang paghanga kay Zephanie sa comments sa Facebook post ni GMA Public Affairs First Vice President Nessa S. Valdellon kung saan nagbigay ito ng pagbati sa mga bumubuo sa Gen Z series na MAKA para sa panalo nitong ratings sa pilot episode.

Nakapagtala ang MAKA ng 6.6 percent na rating sa unang episode nito na ipinalabas noong September 21, higit na mas mataas sa 1.4 percent rating ng katapat nitong programa, base sa preliminary/overnight data ng NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines.

Ayon kay Kara David, "na-lss" siya sa "Patuloy Ang Pangarap" na inawit ni Zephanie sa unang episode ng nasabing youth-oriented show.

Dagdag ng award-winning documentarist, naging fan na rin siya ni Zephanie. Aniya, "Fan na ako ni Zephanie. Mahusay umarte at umawit."

Ang MAKA ay pinagbibidahan ng Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa o "Bangus Girl."

Nagbibigay inspirasyon din sa teen show ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta at ang ilang That's Entertainment stars na sina Tina Paner, Sharmaine Arnaiz, Maricar de Mesa, at Jojo Alejar, kasama ang beteranang aktres at singer na si Carmen Soriano.

Abangan ang MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

Panoorin ang unang episode ng MAKA sa video na ito:

KILALANIN ANG CAST NG MAKA SA GALLERY NA ITO: