GMA Logo  Zephanie in MAKA
What's on TV

Zephanie, pinahanga ang netizens sa emosyonal na pagkanta sa 'MAKA'

By Aimee Anoc
Published October 4, 2024 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Princess Aaliyah to Fred Moser: 'Kung sinabi kong friends lang muna?'
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

 Zephanie in MAKA


Isa ka rin ba sa naantig sa pagkanta ni Zephanie ng "Patuloy Ang Pangarap" sa 'MAKA'?

Umaapaw ang papuring natatanggap ngayon ng Sparkle singer-actress na si Zephanie dahil sa husay na ipinakita nito sa Gen Z series na MAKA.

Maraming netizens ang naantig sa emotional scenes ni Zephanie sa teen show tulad ng pagkanta niya ng "Patuloy Ang Pangarap" at ang pagiging emosyonal dahil sa kanyang ina na hindi naniniwala sa kanyang talento at kakayahan.

@gmapublicaffairs

GRABE KA TALAGA ZEPH! 😱 Behind-The-Scenes vs What is seen on TV! 'Yan ang nakamamanghang boses ni Zephanie! Huwag palampasin ang #MAKA ngayong Sabado, 4:45 PM sa GMA Network! #MAKA | Sabado | 4:45 pm

♬ original sound - GMA Public Affairs

Ilan sa komento na natanggap ni Zephanie mula sa netizens ay "Grabe ka Zephanie tumayo balahibo ko," at "Grabe nakakatindig balahibo at naiiyak ako."

Umabot na rin ng million views sa TikTok ang emotional scene na ito ni Zephanie sa MAKA.

Sa inspiring youth-oriented show, napapanood si Zephanie bilang Zeph Molina, isang high school student at ang best singer sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas MacArthur High School for the Arts o MAKA High.

Ang MAKA ay pinagbibidahan ng Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa o "Bangus Girl."

Nagbibigay inspirasyon din sa teen show ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta at ang ilang That's Entertainment stars na sina Tina Paner, Sharmaine Arnaiz, Maricar de Mesa, at Jojo Alejar, kasama ang beteranang aktres at singer na si Carmen Soriano.

Abangan ang MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

KILALANIN ANG CAST NG MAKA SA GALLERY NA ITO: