
Kaabang-abang ang mga susunod na mangyayari sa Gen Z series na MAKA lalo na't may kumakalat na balita sa MAKA High tungkol sa umano'y tunay na dahilan ng pagbabalik ng award-winning playwright at art theater director na si Sir V o Victor Felipe (Romnick Sarmenta).
Totoo kaya ang eskandalong kinasasangkutan ni Sir V na dahilan ng pagkasira ng maganda niyang career sa Amerika? Ano kaya ang paniniwalaan ng mga estudyante ni Sir V sa Arts & Performance (A&P) section?
@gmapublicaffairs Natatagong lihim ng isang guro na si Sir V, mabibisto na nga ba?! (Episode 3 Trailer) | MAKA Kakabalik pa lang ng 'GOAT' sa #MAKA High, eh mukhang aalis na agad?! Ano-ano kaya ang mga lihim na natuklasan ng mga taga #MAKA High tungkol kay Sir V? Matutulungan pa kaya niya ang ating Gen Z Barkada kung... papaalisin siya? Abangan ngayong Sabado sa #MAKA! 4:45 pm sa GMA Network! Tumutok din sa livestream sa MAKA at GMA Public Affairs Facebook page maging sa GMA Public Affairs YouTube Channel.
♬ original sound - GMA Public Affairs
Samantala, buo ang loob ng mga estudyante ni Sir V na manalo ang MAKA High sa upcoming Regional Drama School Competition para hindi maipasara ang kanilang eskuwelahan. Gayundin, ang grupong mananalo ay makatatanggap ng PhP250,000 mula kay Sir V.
Ang MAKA ay pinagbibidahan ng Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa o "Bangus Girl."
RELATED CONTENT: Meet your new Gen Z barkada in 'MAKA'
Nagbibigay inspirasyon din sa teen show ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta at ang ilang That's Entertainment stars na sina Tina Paner, Sharmaine Arnaiz, Maricar de Mesa, at Jojo Alejar, kasama ang beteranang aktres at singer na si Carmen Soriano.
Abangan ang inspiring youth-oriented show na MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
Panoorin ang ikalawang episode ng MAKA sa video na ito: