
Isang panibagong youth-oriented show alumna ang papasok sa MAKA at ito ay ang aktres na si Karen Delos Reyes na dating cast member ng Click.
Ngayong Martes, sasalang sa taping ng MAKA si Karen kung saan makakasama niya sa shoot ang iba pang cast ng teen show.
Una nang inanunsyo ng MAKA noong nakaraang linggo na mapapanood sa teen show sina Jeffrey Santos, Bernadette Allyson, at Jake Vargas na naging bahagi noon ng That's Entertainment, T.G.I.S., at Tween Hearts, ayon sa pagkakasunod.
Ang MAKA ay pinagbibidahan ng Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty, Sean Lucas, at May Ann Basa, kasama ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Tampok sa inspiring Gen Z series na may musical elements ang kuwento ng high school students sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas MacArthur High School for the Arts o MAKA High, kung saan natutunghayan ang ilang relatable issues na kinakaharap ng mga Gen Z at ang kanilang pakikisalamuha sa ibang henerasyon tulad ng millennials, Gen X, at boomers.
Patuloy na subaybayan ang MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
MAS KILALANIN ANG CAST NG MAKA SA GALLERY NA ITO: