
Sa ikawalong episode ng MAKA Season 2 ngayong Sabado (March 22), malalaman na ni Zeph (Zephanie) na anak siya ni Mr. Rodente (Lloyd Samartino)!
Sa teaser na inilabas ng MAKA, maririnig ni Zephanie ang pag-uusap nina Elijah (Elijah Alejo) at Mr. Rodente tungkol sa bully issue noon ng una.
Sa mainit na pag-uusap, dito na nasabi ni Elijah na natuto siyang sumagot sa ama simula nang malamang stepsister niya si Zeph.
Agad namang kinumpronta ni Zeph si Mr. Rodente kung totoo ba ang sinabi ni Elijah.
Mas iinit ang sitwasyon dahil hindi papayag si Aling Nadia (ina ni Zeph) na makuha ni Mr. Rodente ang anak.
Samantala, aaminin na ni Bryce (Bryce Eusebio) kina Marco (Marco Masa) at JC (John Clifford) na siya ang nagpakalat ng video nang pambu-bully ni Elijah noon kay Katya (Althea Ablan).
Ano kaya ang tunay na relasyon ni Bryce kay Katya?
Abangan 'yan ngayong Sabado, March 22, sa MAKA Season 2, 4:45 p.m. sa GMA.
Panoorin ang teaser ng MAKA Season 2 episode 8 sa video na ito:
BALIKAN ANG PASABOG NI ELIJAH SA ACQUAINTANCE PARTY SA GALLERY NA ITO: